Mukhang hindi na minumulto si Calvin Abueva sa kanyang mga naging suliranin sa mga nakalipas na panahon.

Ipinakita ni Abueva na hindi na siya apektado sa kanyang mga nakaraan matapos ang naging kagilagilalas na panimula ngayong taon kung saan ay nagbida siya sa unang tatlong panalo ng kanilang koponan na Alaska Aces.

Ipinakita ni Abueva kung bakit siya nabansagang “The Beast” nang magtala siya ng 26 puntos na tinambalan pa niya ng 22 rebounds na siyang nagbangon sa Aces mula sa 18-puntos na pagkakaiwan noong nakaraang Martes.

Tinapos ng 2012 Rookie of the Year at dating MVP ng NCAA ang kanyang maituturing na monster performance sa pamamagitan ng isang buzzer-beating floater kontra sa tatlong defenders ng kalaban para isalba ang Aces at makumpleto ang came-from behind win kontra sa Talk ‘N Text, 100-98.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nag-ambag din si Abueva ng 10 puntos, 2 rebounds at isang steal sa loob ng 10 minuto niya sa loob ng korte sa naging 105-64 pagdurog nila sa Meralco Bolts sa sumunod na tatlong araw.

Ngunit para kay Abueva, ang kanilang teamwork at matiyagang paghahanda noong nakaraang preseason ang siyang susi sa lahat.

“Basta nandoon pa rin ‘yung pagkakaisa namin sa team, saka mas gagawin namin na ‘yung sinimulan namin this preseason, gusto naming ipagpatuloy,” ani Abueva.

Dahil sa kanyang niatalang average na 19.0 points, 9.3 rebounds at 1.6 steals sa loob ng 20 minuto ang siyang naging dahilan para siya ang mapiling Accel-PBA Player of the Week sa pagitan ng Oktubre 27-Nobyembre 2.

Kaugnay sa ipinapakitang maturity sa kanyang laro sa kanyang ikatlong taon sa liga, inaasahang malaki ang maitutulong ni Abueva para mabigyan ng kampeonato ang kanilang koponan ngayong taon.