Walong estudyante ang nasugatan matapos magsalpukan ang dalawang school service sa Barangay Lourdes, Quezon City kahapon ng umaga.

Ayon kay traffic enforcer Jeffrey Dizon ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente sa N. Roxas St., panulukan ng Speaker Perez St. dakong 5:45 ng umaga.

Binabagtas ng isang Kia Pregio TWT-945 na school service na minamaneho ni Rasmor Padios upang ihatid ang mga estudyante sa eskuwelahan nang sumalpok ito sa isang Isuzu Canter TXF-527 na isa ring school bus na minamaneho ni Jerry Lito Papa na puno rin ng mag-aaral.

Kapwa napinsala ang dalawang sasakyan dahil sa banggaan na ikinasugat ng mga estudyante.

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

Sumasailalim ngayon sa imbestigasyon ang dalawang driver ng school bus para mabatid kung sino ang dapat managot sa aksidente.