Nobyembre 4, 1939 nang magtagumpay ang test run sa New York City ng unang air-conditioned car sa mundo. Sa una, hangin ang ginamit sa makina sa pamamagitan ng concealed inlet, na-filter upang alisin ang mga dumi, lumusot sa mga coil na nagpalamig o nagpainit dito, at dumiretso sa interior ng sasakyan sa tulong ng grills.

Isang refrigerating compressor na gaya ng ginagamit sa refrigerator ang nagpalamig sa sasakyan. Samantala, ang mga coil naman sa radiator ng sasakyan ang bahala sa pagpapainit.

Ang Packard Motor Car Company ang unang nagbenta ng air-conditioning equipment sa mga sasakyan nito, karamihan ay limousine at luxury car, katuwang ang Bishop and Babcock Co. ng Cleveland, Ohio bilang supplier.

Natigil ito noong 1941, dahil inookupa ng pangunahing evaporator at blower system ang kalahati ng trunk space, pumapalpak na rin ang makina, at nagkakahalaga pa ito ng US$274 (lumobo sa US$4,600 noong 2013).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Noong 1953, ang Chrysler Imperial ang naging unang sasakyan na may air-conditioning sa nakalipas na 12 taon.