Itinakda ni Senator Antonio Trillanes ang Nobyembre 22 bilang deadline ni Vice President Jejomar C. Binay upang ito ay magdesisyon kung sasabak ito sa public debate hinggil sa alegasyon ng katiwalian laban sa huli noong ito ay nagsisilbi pa bilang mayor ng Makati City.

Sinabi ni Trillanes na hindi na rin nito papansinin ang iba pang mga panukala para kanilang debate ni Binay kung wala hindi pa rin magdedesisyon ang bise presidente bago o mismong sa Nobyembre 22 deadline.

May lumabas na mga ulat na nais ng kampo Binay na nakatutok ang debate sa hindi umano katanggap-tanggap na proseso ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon sub-committee na nakayuyurak sa integridad ng kanyang tanggapan at hindi rin dapat talakayin ang isyu sa korapsiyon.

Una nang inihayag ni Trillanes na nagtungo na ang mga opisyal ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) sa kanyang tanggapan upang balangkasin ang proseso ng isinusulong na debate.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inihirit din umano ng kampo ng dalawa na ang lugar ng debate ay dapat malapit sa Senado o Coconut Palace, ang opisyal na tahanan ng bise presidente.