Ipinauubaya na ni Tanduay Light coach Lawrence Chongson ang pakikipaglaban nila para sa manlalarong si Mac Belo sa kanilang management.

Ito ang sinabi ni Chongson kasunod ng kanilang naitalang 78-77 panalo sa MJM Builders-FEU noong nakaraang Lunes sa ginaganap na PBA D-League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

“I leave it to the management, coach din ako at may 14 pa akong players na dapat intindihin. Hindi lang naman siya ang dapat kong atupagin,” ani Chongson nang tanungin kung itutuloy nila ang nauna niyang inihayag na pagsasampa ng kasong legal kay Belo dahil sa hindi nito pagkilala sa pinirmahang kontrata sa kanila.

“Kung ako lang personally, I’ll just deal with the players that are here kaysa isipin ko pa ‘yung wala. Hindi ko naman asawa si Belo para iyakan siya. Kung ako lang, I’m ready to move on,” dagdag pa ni Chongson.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nagpaliwanag naman si Belo at sinabing nang lumagda siya sa nasabing kontrata ay nagkaroon naman aniya sila ng usapan na papayagan siyang maglaro para sa FEU kung magkakaroon ang mga ito ng team na ka-tie-up sa D-League.

“Belo, for his part, explained that he signed a two-year contract with Tanduay Light last season on the condition that he will be allowed to move if FEU forms a tie-up with a D-League team.”

“Sabi ko sa kanila na kung may team ang FEU, doon ako kasi mas priority ko ang school,” ani Belo.

Ngunit itinanggi naman ito ni Chongson na nagsabing wala siyang matandaan na ganoong usapan.

Samantala, nangako naman si FEU athletic director Mark Molina na anuman ang mangyari ay ipaglalaban nila at hindi pababayaan si Belo.

“We are standing by him. We believe him and he told me that last year na may ganoong usapan,” ayon kay Molina.

Gayunman, umaasa rin si Molina na hindi na aabot pa sa korte ang kasalukuyang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Belo at ng Tanduay.

“Sana wala pero if there are legal implications, we will be here to support Mac. But hopefully, wala. Wait and see lang.”