Mga laro ngayon (Fil-Oil Flying V Arena):

2pm - FEU vs. RTU (m) battle for third

4pm - PLDT vs. Meralco (w) battle for third

Naging mahigpit ang Systema Tooth and Gum Care sa kanilang depensa at bumalikwas mula sa dalawang sets na pagkakaiwan upang makopo ang unang panalo sa finals series nila ng Instituto Estetica Manila,21-25, 23-25, 25-19, 25-23, 16-14 sa unang men’s finals ng Shakey’s V-League Season 11 third conference noong Linggo ng hapon sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Wala ang kanilang leading scorer na si Salvador Depante na nagtamo ng fracture sa kanyang right ankle sa huling laro nila sa eliminations kontra din sa IEM at gayundin ang kanilang itinuturing na spiritual leader na si Richard Gomez, nag-step-up para sa Active Smashers ang mga dating NCAA standouts na si Patrick Rojas at Angelo Espiritu.

Nagposte ang dalawa ng tig-15 puntos, ngunit ang matinding depensa sa net nina Rocky Honrade at Chris Macasaet na nakapagposte ng pinagsamang siyam na blocks ang nagging susi sa kanilang tagumpay sa Game ng kanilanmg bnest-of-3 championship series.

“’Yun talaga ang pinag-usapan namin before the game, sabi ko ang lalaki natin, ‘yun ang advantage natin sa kanila pero hindi natin nagagamit ‘yun,” pahayag ni Systema coach Arnold Laniog na tinutukoy ang mga 6-foo-4 hitter niyang sina Honrade at Macasaet.

Sa panig naman ng kababaihan, hindi nakatikim ng panalo sa nakaraang eliminations sa kanilang kalaban, naitala ng Cagayan Valley ang una at mahalagang panalo kontra dating undefeated na Philippine Army upang makuha ang 1-0 bentahe sa kanilang finals series sa pamamagitan ng 25-23, 20-25, 25-21, 25-18 paggapi sa Lady Troopers.

Gaya ng inaasahan, nanguna para sa nasabing panalo ng Lady Rising Suns ang kanilang mga Thai imports na sina Hyapha Amporn na nagposte ng 17 puntos at Saengmuang Patcharee na umsikor naman ng 14 puntos.

Bagamat may iniindang sakit at wala sa kundisyon ang katawan, nag-ambag naman ng 13 puntos ang conerence MVP na si Aiza Maizo-Pontillas.

“Sabi ko kay Aiza, itaas n’ya ‘yung level ng laro nya. Alam ko hirap siya kasi nahihilo pa rin siya, pero talagang pinilit niyang lumaro patunay lang na karapat-dapat siya sa kanyang award,” pahayag ni coach Nestro Pamilar.

Samantala, magpapatuloy ang aksiyon ngayon sa liga sa simula ng sariling best-of-3 series for third place sa pagitan ng Far Eastern University at ng Rizal Technological University sa men’s division ganap na alas-2 ng hapon at ang tapatang Meralco at PLDT naman sa women’s division ganap na ika-4 ng hapon.

Magaganap naman ang Game Two finals series ng men’s at women’s division sa darating pang Linggo-Nobyembre 9.