LAUREL, Batangas - Limang tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ng isang umano’y suspek sa pagnanakaw sa Laurel, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Reynaldo Escaño, 52, ng Tagaytay City.

Bandang 1:37 ng hapon noong Sabado, naghihintay ng sasakyan si Escaño at patungong sementeryo nang hintuan ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo sa Bgy. Balakilong, Laurel.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Dennis Ortiz, suspek umano si Escaño sa pagnanakaw sa Bgy. Ticub sa Laurel noong nakaraang taon.
Probinsya

Misis, tinodas ng mister na lulong umano sa sugal; anak, kritikal!