Nais ni Senator Sonny Angara na magkaroon ng feeding program sa lahat ng public school sa bansa para matugunan ang laganap na malnutrisyon.

Sa ulat National Nutrition Survey, 20 porsiyento ng mga Pilipino na may edad hanggang limang buwan ay kulang sa timbang habang 30 porsiyento nito ay masyadong maliit para sa kanilang edad.

Ayon kay Angara, epektibo ang ganitong programa dahil batid ng mga opisyal ng paaralan kung sino sa kanilang mga estudyante ang may kakulangan sa pagkain.

“The most effective means to combat child hunger and malnutrition is through the public school network where we could target children who belong to poorer families,” ani Angara.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon