Malaya siyang kumalas sa administrasyon.

Ito ang matigas na buwelta ni Pangulong Noynoy Aquino sa mga pagpuna ni Vice President Jejomar Binay kaugnay sa kabiguan ng administrasyon na maresolba ang problema sa korapsyon, kahirapan at Metro Rail Transit (MRT).

Nabatid na kung dati ay umiiwas makipag-komprontahan si PNoy, hindi na napigilan pa ng Pangulo ang kanyang sarili na buweltahan ang mga puna ni Binay at sinabing dapat na magbigay na lamang ng konkretong solusyon sa sinasabi niyang problema na hindi nasosolusyonan ng kasalukuyang administrasyon.

“Dapat ay constructive criticisms at magsabi ng solusyon” at hindi puro pagpuna ang kanyang ginagawa dahil wala naman magandang idudulot ang ganyang gawain para masolusyonan ang problema,” pagtukoy ni PNoy kay Binay.

National

Surigao del Norte, niyanig ng 4.0 magnitude na lindol

Ayon kay PNoy, “kung nakukulangan si Binay, dapat ay sinasabi niya ‘yan Cabinet meeting, hindi iyong reklamo siya nang reklamo kapag nakatalikod.”

Dahil dito, sinabi ni PNoy na kung hindi na kuntento o naniniwala sa kanilang direksyon o diskarte sa gobyerno, malaya si Binay na kumalas sa administrasyon.