Sarah Geronimo

WALA nang urungan, tuloy na ang pagtatambal nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo. Ang pelikula nila ang magiging Valentine presentation ng Star Cinema at Viva Films sa 2015.

Sey mismo ni Piolo, naayos na ang script at pati na ang shooting schedule nila dalawa ni Sarah kaya tuloy na tuloy na ang pagsasama nila sa pelikula.

Pagkatapos ng taping niya ng seryeng Hawak Kamay, ang nasabing project na ang pagtutuunan ng pansin ni Papa P.

National

PBBM sa WPS: 'Ito ay hindi kathang isip lamang, ito ay atin!'

“Magpapahinga ako ng ilang araw after ng Hawak Kamay. Magsisimula na kami ng pelikula with Sarah for Valentines kaya hindi ko alam kung paano ko magagawa magpahinga. Pero, iyon, may play date na. Good luck!” napangiting banggit ng aktor.

Hindi nag-alinlangan si Piolo nang inalok sa kanya ang nasabing pelikula. Bakit naman daw siya magdadalawang-isip pa, si Sarah Geronimo ang makakasama niya!

Matagal na pala niyang pinangarap na makasama ni Sarah sa pelikula.

“Finally, ito na nga, excited ako sa project na ito,” banggit pa ng sikat na actor.