Inaasahan nang makakakuwalipika ang mga Pilipnong siklista sa pambansang delegasyon sa 28th Southeast Asian Games matapos na mag-uwi ng tansong medalya sa ginanap na 20th Asian Mountain Bike Championships and The 6th Asian Junior Mountain Bike Championships sa Lubuk Linggau, South Sumatra Province.

Ipinamalas nina John Derick Farr at Arianne Dormitorio na nararapat silang makabilang sa national team matapos kapwa iuwi ang tansong medalya sa torneo na isinagawa nito lamang Nobyembre 1 at 2.

Base sa 28th SEA Games Task Force, posibleng makakuwalipika ang mga pambansang atleta na magagawang pantayan ang criteria na tansong medalya sa kada dalawang taong torneo na gaganapin sa 2015.

Gumawa rin ng kasaysayan ang 18-anyos na si Farr na sa halip na sumali ito sa juniors division ay lumahok ito sa Elite competition upang natatanging batang rider na nagtala ng kasaysayan sa kompetisyon.

Probinsya

Huli man daw at magaling, naihahabol din! 77-anyos, sumabak sa libreng tuli

Sumabak si Farr sa Elite Downhill Elite kung saan nagawa nitong pumangalawa sa seeding run noong Sabado subalit sa nagkasya lamang sa aktuwal na sikaran sa ikatlong puwesto sa dalawang minuto at 29.12 segundo.

Ang nagawa ni Farr ay nagtala dito bilang unang Pilipinong mountain biker na nagwagi ng medalya sa isang Asian Championships. Nagsumite naman si Dormitorio ng tiyempo na 1:07.50 segundo sa women’s junior final.

Posible pang madagdagan ang medalya ng Pilipinas sa paglahok ni Niño Surban sa Elite Cross Country.