Ginugunita ngayong Nobyembre 4 ang ika-118 kaarawan ni Pangulong Carlos P. Garcia, ang ama ng polisiyang “Pilipino Muna”. Nakamarka sa administrasyon ng ikawalong Pangulo ng Pilipinas ang isang komprehensibong nasyonalistang polisya at pagpapasigla ng kultura.

Bago siya naging Pangulo, aktibo si Garcia sa ugnayang panlabas, nagsikap na panatilihin at paunlarin ang relasyong Pilipino-Amerikano at paigtingin ang ugnayan ng bansa sa mga bansang Asiano. Pagkatapos ng digmaan, sumali siya sa mga misyon sa Amerika upang hilingin ang pag-apruba ng rehabilitasyon ng Pilipinas at para sa war damage claims. Deligado siya ng World Conference sa San Francisco upang balangkasin ang Charter ng United Nations noong Mayo 1945. Naging chairman siya ng Southeast Asia Treaty Organization Conference sa Manila noong 1954, na nagresulta sa Manila Treaty at ng Pacific Charter. Isa sa sa mga tagapagtatag ng Associatiion of Southeast Asia, na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), noong 1963.

Magdaraos ng mga seremonya bilang parangal sa kanyang legasiya ng pagkamakabayan at mabuting pamamahala sa kanyang himlayan sa Libingan ng mga Bayani at sa kanyang sinilangang lalawigan ng Bohol. Isinilang siya sa Talibon noong 1896. Nag-aral siya ng pre-law sa Silliman University noong 1918-1919 at tinamo ang kanyang law degree bilang Malcom scholar sa Philippine Law School, nagtapos na salutatorian noong 1923. Nangibabaw siya sa bar examination sa taon ding iyon. Naglingkod siya bilang gurso sa Bohol Provincial High School. Naging tanyag siya sa kanyang mga tula, nakamit ang parangal na “Prince of Visayan Poets” at “Bard from Bohol”.

Sinimulan ni Pangulong Garcia ang kanyang karera sa pulitkka sa Bohol, kung saan naka-tatlong termino siya (1925-1931) bilang kongresista ng third district, at tatlong termino (1933-1941) bilang gobernador. Sa loob ng 13 taon (1941-1954) naglingkod siya sa Senado. Iya ang running mate ni Pangulong Ramon F. Magsaysay sa presidential elections noong 1963, kung saan nagwagi siya. Naglingkod siya bilang Vice President at kasabay niyon ang pagiging Secretary of Foreign Affairs.

National

‘Huli sa akto!’ Empleyado sa GenSan, sinubukan umanong lasunin ang boss niya

Siya ang nagpatuloy ng mga tungkulin ng Pangulo nang mamatay si Pangulong Magsaysay sa isang plane crash noong Marso 17, 1957, at muling nahalal sa taon ding iyon para sa buong presidential term. Sa kanyang administrasyon, inaprubahan niya ang Bohlen-Serrano Agreement na nagpaigsi ng pananatili ng mga baseng Amerikano mula 99 taon sa 25 taon, na renewable kada limang taon. Siya ang nagpatupad ng polisiyang “Pilipino Muna” bilang sentro ng kanyang administrasyon, upang itaguyod ang mga karapatan at interes ng mga negosyanteng Pilipino. Ang kanyang maybahay ay isang pharmacist, si Leonila D. Garcia, ay may isang anak silang babae, si Linda Garcia-Campos.

Nagretiro siya sa Bohol pagkatapos ng kanyang pagkapangulo. Noong Hunyo 1, 1971, nahalal siya bilang delegado at pangulo ng 1971 Constitutional Convention. Pumanaw siya noong Hunyo 14, 1971 sa edad na 74.