Magsasagawa na rin ang gobyerno ng overseas absentee voting (OAV) para sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Afghanistan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na makaboto sa 2016 elections.

Sinabi ni Recruitment Consultant Emmanuel Geslani na pangangasiwaan ng mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Pakistan ang OAV registration sa Kabul, Pakistan sa Nobyembre 5-8.

Mula sa mga lugar sa Arab countries, ang Kabul ang may pinakamaraming OFW, ayon kay Philippine Ambassador to Pakistan Domingo Lucenario Jr.

Umaabot sa 2,000 Pinoy ang nasa Afghanistan na karamihan ay nagtatrabaho sa iba’t ibang international organization tulad ng United Nations.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“This will be the first visit of Ambassador Lucenario after the deployment ban was lifted last August, 2014 for workers inside the US and NATO bases,” pahayag ni Geslani.

Si Geslani ang namuno sa delegasyon ng Pilipinas na nagsagawa ng assessment sa pagsasagawa ng OAV para sa mga OFW sa Afghanistan na hindi nalalagay sa peligro ang kanilang seguridad.

Kabilang sa mga grupong nakikipagugnayan sa grupo ng OFW sa Pakistan sa pagsasagawa ng OAV ay ang Samahang Pinoy sa Afghanistan, na ang kani-kanilang employer ay nakikipagtulungan din upang maisakatuparan ang programa. - Samuel Medenilla