GERONA, Tarlac - Marahas na kamatayan ang sinapit ng isang negosyante na tinambangan ang minamanehong truck at pinagbabaril ng riding-in-tandem sa highway ng Barangay Sembrano sa Gerona, Tarlac.

Kinilala ni PO2 Christian Rirao ang napatay na si Tyrone Gabaka, 36, nagosyante ng baboy, ng Bgy. Poblacion 1, Gerona.

Napag-alaman na sakay ng Mazda truck (CTL-357) ay binabagtas ng biktima ang Bgy. Sembrano nang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang bigla siyang pinagbabaril na agad niyang ikinasawi.

Hindi totoo! Atty. Torreon, sinagot umano’y pagdating ng arrest warrant para kay Sen. Bato