Sa pamamagitan ng paggamit ng ilan sa mga taktikang ito, kahit sino ay maaaring maging handa upang maging mas maaayos at angkop ang kanilang pagtugon sa aktuwal na emergency. Narito ang ilang estratehiya na maaaring matutuhan ng kahit sino at gamitin sa sandaling humarap sila sa isang krisis. Kung nag-aatubili ang ilang tao sa iyong paligid, ikaw ang unang reresponde upang gumaan ang situwasyon para sa lahat:

Maging handa kahit walang emergency. – Maaaring hindi mo pa nararanasan ang matinding kalamidad o krisis dahil bata ka pa; ngunit darating din sa buhay mo ang isang matinding pangyayari. Maaaring sabihin mo na “Hindi mangyayari iyon sa akin” o “Kapag may krisis, may mag-aasikaso niyon at hindi ako iyon”. Ngunit sa totoo lang, nangyayari ang kapahamakan kahit kanino, sa lahat ng oras, kahit saan man sila naroroon, o kahit saang antas ng pamumuhay sila nabibilang, o anuman ang kanilang edad. Kaya kailangan mong maging handa para sa isang emergency kahit hindi pa ito nangyayari.

Laging magtago ng mahahalagang impormasyon tungkol sa iyong sarili. – Kasama rito ang impormasyon tungkol sa iyong asawa, mga anak, at lagi mo itong dalhin saan ka man magpunta. Mainam ang cellphone na may kakayahang magtago ng mga impormasyon na iyon. Naroon ding nakatago sa cellphone ang iyong medical history, ang impormasyon tungkol sa mga gamot na iniinom mo at tiyakin ding madali iyon i-access sa iyon ng sinuman na iyong pahihintulutan. Mainam ding pagtaguan ng impormasyon ang iyong wallet o pitaka o bag. Kung nagtataglay na ng mahahalagang impormasyon ang iyong ID, wala ka nang problema sa larangang iyon.

Turuan mo ang iyong sarili. – Mag-aral ka ng cardio-pulmonary resuscitation (CPR) o first aid course. Habang wala pang krisis, ito na ang pinakamainam na paraan upang matuto ng mga pamamaraan at mga tungkulin ng mga rumiresponde sa mga emergency situation. Ang mga basic skill na ito ang in-demand sa karamihan ng mga krisis. Maraming buhay ang naliligtas ssa CPR at kapaki-pakinabang ang may alam ka sa first aid.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sundan bukas.