KAGABI unang napanood sa 24 Oras ang Tacloban event plug ng GMA Network bilang panimula sa kanilang 2014 “Share the Love” Christmas campaign.

Maagang pamasko ang hatid ng GMA sa Yolanda survivors sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng bagong simula.

Buhay na buhay ang diwa ng Kapaskuhan sa Kapuso Village sa Tacloban nang magsagawa ng salu-salo ang network para sa beneficiaries ng proyekto.

Ang Kapuso Village sa Tacloban ang unang permanent housing project para sa survivors ng Typhoon Yolanda, at 49 na ang mga bahay na nai-turn over. Sa susunod na linggo matatapos ang karagdagang 123 bahay at may 231 pa na nakatakdang i-turn-over sa mga susunod na buwan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“It was likely the first time that these families got to celebrate Christmas since they lost their homes and loved ones to Typhoon Yolanda,” pahayag ni GMA Kapuso Foundation EVP and COO Mel Tiangco na nakasaksi sa lawak ng pinsala ng Yolanda sa kaniyang on-site news coverage at GMA Kapuso Foundation relief efforts. “Seeing their favorite Kapuso stars make an effort to personally deliver their presents made the occasion all the more special to them.”

Kasama niya ang Kapuso stars sa pamimigay ng mga regalo, pagkain at Christmas trees sa Kapuso Village at ang ibang personalidad naman ng GMA ay nag-sponsor ng mga laruan at health at educational gift packs para sa mga Kapuso Foundation beneficiaries sa buong bansa.

Tunay na malalampasan ang anumang pagsubok kapag nagsasama-sama ang mga pusong may iisang hangarin at pagmamahal sa kapwa.

Para sa karagdagang photos at videos ng “Share the Love” Campaign, bisitahin lamang ang GMA Network portal sawww.gmanetwork.com.