NEW YORK (AP)- Hindi maipaliwanag ni Brook Lopez ang kaligayahang nararamdaman sa kanyang pagbabalik at ang kanyang ngiti ay sapat na para tugunan ito.
At para sa Oklahoma City Thunder, mas misteryoso ito.
Umiskor si Lopez ng 18 puntos sa kanyang unang regular-season game matapos ang nakalipas na halos 11 buwan, kung saan ay natikman ng Brooklyn Nets ang pinakamalaking home-opening romp sa kasaysayan ng prangkisa, 116-85, victory kontra sa injury-depleted Thunder kahapon.
‘’I can’t put it in words,’’ paliwanag ni Lopez. ‘’It was great to be back out there. I’ve missed it for a long time and our team definitely took care of business tonight. Our guys make it easy.’’
Nag-ambag si Alan Anderson ng 18 puntos at nagtala si Deron Williams ng 17 puntos at 9 assists para sa Nets, naibalik ang kanilang leading scorer sa tamang landas kumpara sa Thunder na wala sina Kevin Durant at Russell Westbrook.
Nagposte si Reggie Jackson ng 23 puntos sa kanyang season makaraang maimintis nito ang unang tatlong mga laro sanhi ng sprained right ankle, ngunit lumisan ang Thunder na short-handed nang ang starting guard na si Andre Roberson ay mapinsala sa kanyang kaliwang paa. Naglaro lamang ito ng 11 1/2 minuto sa unang half at umalis sa korte na nakasaklay. Hindi ito makapaglalaro ngayon sa Toronto.
‘’That’s just how things are going right now. But we’re not throwing the white flag. We’re going to keep battling,’’ pahayag ni Thunder coach Scott Brooks.
Taglay lamang ang siyam na players, umentra si Jackson sa loob ng 42 minuto na taglay ang shooting sa 8-of-20.
‘’I played pretty terrible. That sums it up. Seven turnovers. Shot poorly. I felt like I let I let my team down,’’ pahayag ni Jackson.
Si Lopez ay may average sa team-best na 20.7 puntos matapos na mapinsala nito ang kanyang kanang paa noong Disyembre 20 kontra sa Philadelphia at nagkaroon ito ng season-ending surgery. Nagbalik ito sa pagsisimula ng training camp ngunit na-sprained ang paa nito sa kasagsagan ng exhibition game sa China kayat naimintis nito ang unang dalawang laro sa Nets.
Matapos ang panandaliang pagpapahinga ni Lopez muli itong pinaglaro sa loob ng 3 minuto kung saan ay nakamit nito ang dalawang fouls. Sinimulan ng Nets ang patatagin ang malaking kalamangan sa sumunod na yugto, ikinasa ang 32-19 tungo sa 5-of-7 mula sa 3-point range sa unang quarter.
Inasinta ni Lopez ang 6-of-10 sa shooting mula sa field at 6-of-7 mula sa foul line sa loob ng 24 minutong paglalaro, kinapalooban ng powerful dunk mula sa pasa kay Kevin Garnett sa unang half.
‘’It was just good to see him have that bounce, explosion,’’ ayon kay Garnett. ‘’We know he’s having foot problems. He’s playing through a lot, man. And like I’ve said, if we’re going to be anything, we’re going to need the big fellow.’’
Kinuha ng Brooklyn ang 59-40 lead sa halftime nang ikasa nina Bojan Bogdanovic at Mason Plumlee ang alley-oop bago tumunog ang final buzzer.
Naitala ng Nets ang mahigit sa 35 puntos sa ikalawang half.
Sumadsad ang Thunder sa 1-3. Tumapos sina Perry Jones at Sebastian Telfair na may tig-16 puntos.