Isang nakasinding kandila na natumba ang naging mitsa ng isang sunog na tumupok sa 60 kabahayan sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Sa report ni QC Fire Marshall F/SSupt. Jesus Fernandez, 7:00 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa Kapaligiran St., Bgy. Doña Imelda, Lungsod Quezon. Umabot sa 5th alarm ang sunog bago ito naapula dakong 9:00 ng ujmaga.

Ayon sa arson probers ng Bureau of Fire Protection (BFP), tinatayang P500,000 ang halaga ng mga naabong ari–arian ng 100 pamilyang nasunugan at muntik nang madamay ang substation ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Araneta Ave. Nagduolot ito ng dalawang oras na trapik sa E. Rodriguez Ave.

Walang naiulat na sugatan o namatay, maliban sa hinimatay na si Lolo Carlito Ande, 53, dahil sa alta-presyon.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon