Mga laro sa Huwebes (Ynares Sports Arena):

12pm – Bread Story-Lyceum vs. Cagayan Valley

2pm – Racal Motor Sales Corp vs. Café France

4pm – Tanduay Light vs. Hapee

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Naiposte ng Hapee ang kanilang unang panalo, ngunit hindi sa paraang inaasahan mula sa kanilang star-studded line-up matapos silang pahirapan ng baguhang AMA University bago naiposte ang 69-61 panalo kahapon sa 2015 PBA D-League Developmental League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Mula sa 11-puntos na kalamangan sa pagtatapos ng third quarter, 59-48, nalagay sa alanganin ang Fresh Fighters nang tapyasin ng Titans nag kanilang kalamangan sa tatlong puntos, 59-62, kasunod ng inilatag nilang 11-2 blast na piangbidahan nina Joseph Eriobu at Philipi Paniamogan,may 4;49 pang nalalabi sa laban.

Gayunman, hindi na nagpatinag ang Fresh Fighters at gumanti ng 6-2 run para mas maging kampante sa kanilang kalamangan at tiyakin ang tagumpay sa pag-angat sa iskor na 69-61, ,atapos ang basket ni Ola Adeogun, 1:37 pa ang nalalabing oras sa laban.

“Tingin ko,at any given day, you let you guard down, talagang madadale ka,” pahayag ni Hapee coach Ronnie Magsanoc na tinutukoy ang muntik na nilang pagkasilat.

“Lahat kasi ng teams, dun nakatingin sa unang 6 spots kaya kada playday talagang mabigat,” dagdag pa nito.

Gayunman, kuntento na aniya siya sa ipinakita ng kanyang mga players na sa unang pagkakataon ay sumalang sa una nilang laban mula ng buuin ang team at makapag-ensayo ng walang liban, tatlong araw bago sila sumalang sa laro.

Nanguna para sa nasabing panalo si Troy Rosario na nagtala ng 12 puntos at 5 rebounds sumunod si Ray-Ray Parks na may 11 puntos, 6 na rebonds, 5 assists at 3 steals at si Garvo Lanete na tumapos na may double double 10 puntos at 10 ding rebounds.

Sa panig naman ng Titans, nanguna ang kapapasok pa lamang na sI Philip Paniamogan na nagtapos na may game high 14 puntos kasunod si Joseph Eriobu na may 12 puntos at 8 rebounds.

Nauna rito, taliwas sa inaasahan, naging dikdikan pa ang laban sa first quarter kung saan nakaangat lamang ng dalawang puntos ang Fresh Fighters, 15-13.

Ngunit sa second period,unti-unting lumayo ang Hapee hanggang sa umagwat ng 15 puntos, 41-26 kasunod ng inilatag nilang 11-2 blast na tinampukan ng dalawang three pointers nina Amer at Lanete bago ang buzzer-beater basket ni Taganas para tapyasin ang kalamangan sa 21-48 sa halftime break.