Mga laro ngayon (Araneta Coliseum):

4:15pm -- Kia Sorento vs. Globalport

7pm -- Barangay Ginebra vs. Blackwater

Makaagapay sa mga kasalukuyang lider Alaska at san Miguel Beer sa pamamagitan ng pagpuntirya ng solong ikalawang posisyon ang tatangkain ng crowd favorite Barangay Ginebra San Miguel sa kanilang pagsagupa sa isa pang baguhang koponang Blackwater Sports sa pagpapatuloy ng aksiyon ng 2015 PBA Philippine Cup.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Nakatakdang magtuos ang dalawang koponan sa tampok na laban ganap na ika-7 ng gabi matapos ang unang salpukan sa pagitan ng expansion team na Kia Sorento at Globalport ganap na alas-4:15 ng hapon.

Tiyak na magsisikap na bumangon ng Kings mula sa di-inaasahang pagkabigo sa kamay ng baguhang NLEX Road Warriors, 81-97, noong nakaraang Oktubre 29 na nagbaba sa kanila sa barahang 2-1, panalo-talo, kasalo ng Meralco at ng kanilang biktima sa ikalawang puwesto kabuntot ng Aces at Beermen na may malinius na barahang 3-0.

Umaasa ang Kings na may kinapulutan silang aral sa nasabing kabiguan na kanilang magagamit sa mga susunod pa nilang laban.

“Maganda nga natalo kami sa NLEX, kasi sa 2-0 namin, nakalaban namin ang TnT (Talk ‘N Text) kulang-kulang sila. Ang KIA naman puro mga bago. At least nagising kami at ‘di naman kami unbeatable,” pahayag ng isa sa mga bagong recruit na guwardiay ng Kings na si Joseph Yeo.

“Work in progress pa rin naman kami with the triangle, eh. Lahat naman, even ‘yung ibang players ng Ginebra (naga-adjust pa), tapos last conference pa lang dumating si coach Jeff,” dagdag pa nito.

“Sinasabi sa amin ni coach Jeff, na kahit panalo kami sa first two games, malayo pa kami. ‘Di pa kami perfect, marami pa kailangang pag-aralan saka kayang kaya kami talunin ng ibang teams, kaya ‘di dapat kami mag-kumpiyansa,” ayon pa kay Yeo.

Sa kabilang dako, hangad naman ng Elite na makabangon mula sa kinasadlakang tatlong dikit na kabiguan, pinakahuli sa kamay ng Meralco Bolts noong nakaraang Oktubre 28 sa iskor na 75-83 sa overtime.

Mauuna rito, mag-uunahang makapagtala ng kanilang ikalawang panalo na magtatabla sa kanila sa Rain or Shine at Talk ‘N Text sa ikaapat na puwesto hawak ang patas na barahang 2-2 ang tatangkain ng Sorento at ng Batang Pier na kapwa galling sa kabiguan, ang una na bumagsak sa dalawang dikit na talo matapos anbg opening day win nila kontra Blackwater at ang huli naman sa kamay ng defending champion Purefoods Star Hotshots sa ikatlo nilang laro na nagbaba sa kanila sa kartadang 1-2.