CANBERRA, Australia (AP) — Isang araw matapos sabihin na masyadong politikal ang isang billboard advertisement sa climate change para sa pagtitipon ng mga lider ng mundo sa lungsod ng Brisbane sa Australia, sinabi ng mga awtoridad ng lokal na paliparan noong Martes na ipinagbawal din nila ang isang patalastas kontra katiwalian.

Kinumpirma ng Brisbane Airport Corp. noong Lunes na ipinagbawal nito ang ad ng World Wildlife Fund na humihiling sa mga lider ng mayayaman at umuunlad na bansa na isama ang climate change sa tatalakayin sa kanilang G20 economic summit sa susunod na linggo dahil mayroon itong “political intent.”

Inihayag ng airport management noong Martes na isang ad ng global anti-corruption group Transparency International ang ipinagbawal din sa parehong dahilan, kahit na na ang paglaban sa katiwalian ay kabilang sa G20 agenda. Ang ad ay nagsasabing “Dirty Money Not Welcome Here”.
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya