Naging super typhoon na ang bagyong “Paeng,” ayon sa Joint Typhoon Warning Center (JTWC).

Ayon sa JTWC, ipinasya nilang ilagay sa kategorya ng super typhoon ang nasabing bagyo dahil sa taglay nitong lakas ng hangin.

Huli itong namataan sa layong 1,140 kilometro sa Silangan ng Aparri, Cagayan kung saan taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsong 240 kilometro bawat oras.

Ito ay kumikilos sa bilis na 13 kph sa Hilaga-Hilagang Silangan.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Inaasahang makakalabas ito sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong Martes.