LEGAZPI CITY – Ang Albay ang napiling manok ng Pilipinas para sa 2015 United Nations Sasakawa Award for Disaster Risk Reduction, dahil sa tibay ng kultura nito laban sa mga kalamidad.

Ang 2015 Sasakawa Award ay ipinagkakaloob sa mga nominadong may determinasyon na labanan ang kalamidad dulot ng mabibisang programa sa disaster risk reduction (DRR) na tunay ang pakinabang para sa mga pamayanan at sa mundo, ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Jesus RS Domingo sa liham niya kay Albay Gov. Joey Salceda.

Ang 2015 Sasakawa Award ay may temang “Shaping the Future”. Igagawad ito sa Third World Conference on Disaster Risk Reduction (3WCDRR) sa Marso14-18, 2015 sa Sendai, Japan.

Ayon kay Salceda, naging tuluy-tuloy ang pagsulong ng Albay sa kabila ng matitinding pagsubok “dahil sa mataas na ang antas ng resiliency nito sa mga kalamidad”. Kinikilala ngayon ang lalawigan bilang ‘fastest growing tourism destination’ sa bansa. Mula sa 8,700 turista noong 2006, lumobo sa 339,000 ang dayuhang pumasyal sa probinsiya noong 2013.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kasalukuyang pinangangalagaan ng Albay ang mahigit 55,000 evacuees sa 46 na evacuation center nito sa loob ng mahigit isang buwan, dahil sa bantang pagsabog ng Bulkang Mayon. Sa kabila ng nakalululang gastos, binalewala ng mabisang DRR at programa ng mga institusyon ng lalawigan ang epekto nito sa Albay economy.

Ang Albay ang unang nagtala ng zero casualty bilang layunin, at preemptive evacuation bilang estratehiya tuwing may banta ng kalamidad na ginaya ng pambansang pamahalaan at mga pamayanang lokal.