TAGKAWAYAN, Quezon – Tinutugis ng pulisya ang mga leader at miyembro ng isang fraternity group makaraang isang neophyte ang mamatay sa hazing rites apat na araw matapos ipasok sa ospital, ayon sa mga magulang ng biktima.

Ayon sa police report, sinabi nina Anaclito Inofre at Lourdes Inofre na namatay ang kanilang anak na si Ariel Recaña Inofre, 20, binata, tubong Barangay San Francisco, Tagkawayan, dahil sa mga natamong sugat makaraang sumailalim sa initiation rites ng mga hindi nakilalang miyembro ng Tau Gama Phi Fraternity-Tagkawayan Chapter noong Oktubre 19, 2014.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, base sa salaysay ng mga magulang ng biktima, noong Oktubre 19 ay napansin nila ang mga sugat at bugbog sa magkabilang hita ng kanilang anak, pero nang tanungin nila ay hindi umimik ang biktima.

Ayon pa sa mag-asawa, dinala nila sa Bicol Medical Center sa Naga City ang anak noong Oktubre 28, 2014 pero namatay ito bandang 5:30 ng umaga noong Nobyembre 2.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sinabi ng pulisya na bago pumanaw ay umamin ang biktima sa kanyang mga magulang na sumailalim siya sa hazing ng Tau Gamma Phi Fraternity sa Bgy. Mapulot sa Tagkawayan. - Danny J. Estacio