OUAGADOUGOU (AFP)— Nangako ang militar ng Burkina Faso na magtatayo ng isang unity government matapos higpitan ang paghawak sa bansang west African, nagbaril ng tear gas at nagpaputok sa ere upang mabuwag ang mga nagpoprotesta sa lansangan na kumokondena sa pang-aagaw ng kapangyarihan ng army.

Sinamantala ng army ang kawalan ng liderato matapos magbitiw si president Blaise Compaore sa kainitan ng mga bayolenteng demonstrasyon sa mga lansangan laban sa kanyang 27-taong pamumuno na inihalintulad ng ilan sa Arab Spring. Katwiran ng military, kumikilos lamang ito para sa interes ng nasyon.

Sinabi ni UN envoy for West Africa Mohamed Ibn Chambas na nakikiisa siya sa mga lider ng Africa sa panawagan sa militar na ibalik ang kapangyarihan sa mga sibilyan. Kapag tumanggi ang army, “the consequences are pretty clear”, aniya. “We want to avoid having to impose sanctions on Burkina Faso.” Ito rin ang panawagan ng United States at ng European Union.

Ang Burkina Faso – kilala rin bilang Upper Volta sa kanyang panahon bilang kolonya ng France ay naging malaya noong 1960 at nagpalit ng pangalan noong 1984.

National

Amihan, easterlies, patuloy na umiiral sa PH – PAGASA