MASUWERTE ang lead actress ng Relaks, It’s Just Pag-Ibig na si Sofia Andres dahil kahit pangalawang pelikula pa lang niya ito ay bida na siya kaagad.

Unang napanood si Sofia sa pelikulang She’s Dating The Gangster nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo bilang support.

Sa teleserye naman, una siyang napanood sa Princess and I bilang bunsong kapatid ni Kathryn.

“Ako po ‘yung mabait at matabang kapatid ni Kath,” pagpapaalala ng dalagita.

Probinsya

30-anyos transwoman, pinatay ng nobyo

Support ulit siya kay Liza Soberano sa Forevermore na kasalukuyang No. 1 teleserye ngayon.

Pero sa Relaks, It’s Just Pag-Ibig ay bida si Sofia na labis niyang ipinagpapasalamat.

“Sobrang blessed and happy po kasi pinagkatiwalaan nila and Lord give me this project na talagang dream ko pong magkaroon ng movie na ako ang bida with Julian (Estrada) and Iñigo (Pascual),” sabi ni Sofia nang maka-one-on-one interview namin sa presscon ng Relaks, It’s Just Pag-Ibig.