LOS ANGELES — Hindi nagpatumpik-tumpik si Shirley MacLaine nang tanungin tungkol sa kanyang opinyon sa buhay sa edad na 80.
“Well, I’m a lot closer to dying,” natatawang sagot niya.
Marahil, ngunit tila puno pa rin ng buhay ang masayahing babae at ang kanyang Oscar-winning career.
Si Shirley ay kabilang sa iilang octogenarians na patuloy na nabibigyan ng name-above-the-title billing, kahati niya ang 84-anyos na co-star na si Christopher Plummer sa big-screen dramedy na Elsa & Fred, ang upcoming American remake ng 2005 foreign-language favorite.
“I had seen the Argentinian film,” ani Shirley sa panayam kamakailan. “Loved it,” pagpapatuloy niya. “Loved the relationship between the two. Older people falling in love was really attractive to me.”
Sa isang tingin, ang Elsa ni Shirley at tila isa lamang baliw na kapitbahay ng Fred ni Christopher na sumuko na sa buhay nang pumanaw ang asawa.
Ngunit higit pa rito si Elsa kaysa inaakala ni Fred, o ng mga manonood ng pelikula. Sisirain na ng detalye ang mga sorpresa, ngunit ligtas nang sabihin na dapat pag-isipan ng mga manonood ang mga sinasabi ni Elsa.
“She really did lie about everything,” pambubuking ni Shirley.
Ngunit hindi maliit na bagay na muling ipinakilala ni Elsa kay Fred ang La Dolce Vita —ang classic Fellini movie at sa, tunay na buhay, ang salin nito sa English na, “the sweet life.”
Walang duda na ang karakter na higit na maaalala kay Shirley ay ang feisty, fiercely protective na si Aurora Greenway sa 1983 blockbuster na Terms of Endearment.
“Adore her,” ani Shirley. “Would like her on my tombstone. Loved her. My favorite part.”
Kakatwa na pagkaraan ng mahigit a quarter-century na paggawa ng mga pelikula, sa wakas ay nanalo siya ng best-actress Oscar sa pagganap bilang Aurora, dahil, ayon kay Shirley, hindi naman talaga siya umaarte.
“I’m kind of like her,” paliwanag niya. “That’s the closest I’ve come to being like a character. I mean, I don’t know, frankly, how difficult it was to play her. I think I just played myself.”
Nang tanungin kung mayroon siyang la dolce vita, ang sagot ni Shirley, “I can’t imagine a better life. I’ve sat back and looked at it and thought, ‘Oh, my. What haven’t I done?’
“I can’t think of anything except I’d like to live on a wild-animal farm,” dagdag niya. “I’d like to live as though I’m on safari in Africa, maybe permanently, and get to know those animals. But as far as my work and stuff, I’ve done everything. I just want to keep on doing what I’m doing.”
Ipalalabas ang Elsa & Fred sa mga sinehan ng US sa Nob. 7.