BENGHAZI Libya (Reuters)— Hinimok ng Libyan army ang mga residente na lisanin ang central district ng Benghazi na kinaroroonan ng seaport, sinabi ng isang tagapagsalita noong Linggo, habang naghahanda sila sa operasyong militar laban sa mga Islamist sa ikalawang pinakamalaking lungsod sa bansa.

Halos 230 katao na ang namatay simula nang makipagdigma ang army, sa tulong ng mga puwersang tapat sa isang dating heneral, sa Islamist groups sa eastern city, bahagi ng kaguluhang bumabagabag sa oil producer tatlong taon matapos mapatalsik si Muammar Gaddafi.

“The chief of staff asks all residents of the Assabri district to leave by 12:00 noon (on Monday),” sabi ni Ahmed al-Mesmari, spokesman ng chief of staff.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente