Paolo Bediones

NAGING venue ang Puñta restaurant sa Liberty Center, Mandaluyong sa pagharap ng walo pang natitirang racers ng The Amazing Race Philippines Season 2 sa entertainment press.

Ikinagulat ng press nang makita sa loob ng resto si Paolo Bediones, na isa pala sa may-ari ng restaurant, kasosyo ang ilang kaibigan.

“Ito ‘yung nagsilbing therapy ko nu’ng panahong ‘yun,” pagtatapat ni Paolo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naharap sa malaking kontrobersiya ang TV host dahil sa pagkalat ng kanyang sex video sa social networking sites.

“We started this July 25,” kuwento pa niya, “but August na kami nakapagconstruct... Nu’ng nag-leave ako from work ng sandali, ito ‘yung naging resulta noon,” kasunod ng pagkalat ng sex video ang resignation niya bilang anchor ng Aksyon late night newscast ng TV5, with Cheryl Cosim.

“Ito ‘yung sinasabing everything happens for a reason,” wika pa ni Paolo. “Hindi ko sinasabing ito ‘yung dahilan noon, pero at least, may magandang kinalabasan.”

Nalulungkot siya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ng mga otoridad ang mga taong nagpakalat ng naturang sex video.

“You know what? I’m still pursuing but I dunno, siguro behind pa rin talaga tayo sa technology. Hindi pa nila ma-trace. So, ipapasa-Diyos ko na lang ‘yung taong ‘yun o grupong ‘yun but hindi ako titigil. Kasi until I make an example to people who do things like this, meron at meron pang ibang mabibiktima. And siguro ‘yun din ang dahilan kung bakit nangyari ito sa akin para... dahil ako ‘yung may boses, ako ‘yung puwedeng lumaban, ‘yun ang magiging advocacy ko for the rest of my life. Recently, meron na naman, so, paano ba matitigil ito? Kailangang gawing ehemplo ‘yung isang tao o isang grupo na puwede kang mahuli, na puwede kang makulong. Krimen ito,” mahabang litanya ng controversial TV host.

Ayon kay Paolo, naging eye opener sa kanya ang problemang pinagdaanan niya.

“Eye opener kung sino ‘yung tunay mong kaibigan, kung sino yung tunay na susuporta sa iyo, sino ‘yung tunay na andiyan talaga at kumbaga, mananatiling andiyan sa tabi mo, ” makahulugang wika niya.