Novak Djokovic

PARIS (AP) – Naging unang manlalarong lalaki si Novak Djokovic na matagumpay na naidepesa ang titulo sa Paris Masters nang makuha ang 6-2, 6-3 na panalo kontra Milos Raonic kahapon at ilagay ang sarili commanding position sa kanyang pakikipagtunggali kay Roger Federer para sa year-end No. 1 spot.

Si Djokovic, na hindi nakapaglaglag kahit isang set buong linggo, ay inangkim ang ika-20 titulo sa Masters sa kanyang career at napanalunan ang indoor tournament sa ikatlong pagkakataon upang mapantayan ang tally ng coach na si Boris Becker sa French capital.

''To be able to win it two years in a row with the final tournament of the year ahead of me, it's great,' ani Djokovic na na-neutralize ang malalaking serve ni Raonic. “I played the best match of the entire week today when it was most needed.''

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hindi pa natatalo sa indoors court sa loob ng dalawang taon, isang malaking hakbang ang ginawa ng Serb sa kanyang pagsubok na tapusin ang taon sa ituktok ng standings sa ikatlong pagkakataon. Napalawig ni Djokovic ang kanyang lamang kay Federer sa 1,310 puntos bago ang ATP Finals isang linggo mula ngayon sa London, kung saan si Djokovic ay isang two-time defending champion.

Nagawang paliitin ni Federer ang kalamangan sa 490 puntos ngunit ang kanyang quarterfinal loss sa Paris ang nagpakulimlim sa kanyang bid na malampasan si Djokovic sa Londo, na may 1,500 puntos ang pag-aagawan.

''I see it better now than one week ago, that's for sure,'' lahad ni Djokovic makaraang ialay ang pinakahuling tagumpay sa anak na si Stefan. ''Every match that I play and win gets me closer to holding No. 1 at the end of the year.''

Ang 23-anyos na si Raonic ay hindi pa natatalo si Djokovic sa kanilang apat na paghaharap, tila may naging pag-aalinlangan at hindi mai-convert ang kanyang ilang opening.

''I thought he played some great tennis, neutralized my serve well,'' sabi ni Raonic. ''He didn't really give me too many looks. Even on the break chances I had, he played them well. He just made life difficult for me today.''

Pakunsuwelo sa seventh-seeded na si Raonic ang pagkakaroon ng puwesto sa ATP Finals, na paglalaruan niya sa unang pagkakataon kasunod ng kanyang breakthrough season na kinakitaan ng kanyang pagtuntong sa Wimbledon semifinals.