Mistulang walang intensiyon ang 290 miyembro ng Kongreso na imbestigahan ang umano’y overpriced na Iloilo Convention Center (ICC).

Kapwa hindi interesado sina House Speaker Feliciano Belmonte Jr. at Majority Leader at Mandaluyong Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II sa panukala ni Senator Francis Escudero na dapat na maglunsad ang Mababang Kapulungan ng sariling imbestigasyon sa ICC.

“Unless there’s a Makati building type of evidence, we have no intention of investigating Iloilo Convention Center,” sinabi ni Belmonte sa isang panayam.

“Bakit kami? We have other better legislative things to do,” sabi naman ni Gonzales sa isang hiwalay na panayam.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa pagpapatuloy ng session ng Kongreso sa Nobyembre 17, inaasahang tatalakayin nito ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL), ang economic Charter Change at ang House Bill 3587 (Act Prohibiting the Establishment of Political Dynasties).