Sa gitna ng mga ulat hinggil sa napipintong kakapusan ng kuryente sa mahigit 300 megawatts (MW) pagsapit ng summer sa 2015, narito ang isang katanggap-tanggap na balita na magiging available ang 250 MW mula sa wind energy simula ngayong taon hanggang sa unang bahagi ng 2015.

Sinabi ni Secretary Carlos Jericho Petilla ng Department of Energy na binisita niya ang tatlong wind project sa Ilocos Norte – ang 33-mw Bangui Windmills ng Northwind Power Development Corp., ang 150-MW Burgos wind farm ng Energy Development Corp., at ang 81-MV Pagudpud project ng Noth Luzon Renewable Energy Corp.

Sa South, ang una at pinakamalaking solar plant ng Thomas Lloyd Group ng Switzerland ay nagbukas ng isang 13-MW phase ng 32-MW project nito sa n San Carlos City sa Negros Occidental. Anito, inaasahan nilang magbubukas ang final phase sa loob ng ilang buwan.

Pinatupad ng Kongreso ang Renewable Energy Act noong 2008 upang mapabilis ang eksplorasyon at pagpapaunlad ng renewable energy resources sa bansa, kabilang ang biomass, solar, wind, hydro, geothermal, at ocean energy sources.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Bago pa man ipasa ang naturang batas, kilala na ang Pilipinas sa buong mundo dahil sa geothermal energy program nito. Hanggang noong 2010, taglay na ng bansa ang total total capacity na 1,904 MW na pangalawa lamang sa Amerika na may 3,093 MW.

Sa ngayon, 33% ng ating pangangailangan sa enerhiya ay mula sa coal, 18% sa langis, at 17% mula sa natural gas. Mahigit 19% lamang ang mula sa hydro, 9% sa geothermal, at minimal na mga persentahe mula sa hangin at biomass. Ang pagsandal ng bansa sa fossil fuels ang dahilan kung bakit ang presyo ng elektrisidad sa Pilipinas ay isa sa pinakamatataas sa Asia. Sinabing ito ang pinakamalaking balakid sa pagpasok ng foreign investors na nagnanais magtayo ng manufacturing plants sa bansa.

At sa kabila nito, mayroon tayong sapat na resources na maaaring makapag-develop sa bansa na maraming mahahangin na isla, maaraw na lagay ng panahon, at geothermal sites pati na ang matatabang lupain na maaaring magpayabong ng mga halaman na para sa sa biomass energy.

Nakita ng ating Kongreso ang malaking potensiyal ng resources na ito noong pang 2008 nang aprubahan nito ang Renewable Energy Act. Kailangan nating tutukan ang mayamang resources na ito upang mapababa ang magastos na pag-aangkat ng coal at langis habang pinabababa natin ang polusyon at ang masasamang epekto ng climate change na bunga ng pagsusunog ng fossil fuel.

Sa magandang balitang ito mula sa norte at ang inanunsyong plano ng maraming private firm na gamitin ang kanilang sariling mga generator sa kritikal na panahon, maaaring hindi na kailangan ng gobyerno ang makipagkontrata para sa karagdagang enerhiya sa susunod na taon. At hindi na rin kailangan ang emergency power para sa Pangulo.