11

Sinulat at mga larawang kuha ni RIZALDY COMANDA

TUWING Undas, abala ang sambayanang Pilipino sa pagtungo, paglilinis at paglalagi sa puntod ng mga mahal sa buhay, para magbigay galang at gunitain ang mga nakalipas.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa loob ng Camp John Hay, ang dating rest and recreation (R and R facility) ng United States military personnel sa siyudad ng Baguio, ay matatagpuan ang kakaiba, tila nababalot ng hiwaga na kung tawagin ay Cemetery of Negativism.

Tinawag din itong The Lost Cemetery o Pet Cemetery, dahil karamihan sa makikita sa ibabaw ng mga puntod ang iba’t ibang uri ng hayop. Isa ito sa pamosong lugar sa loob ng Historical Core. Dinadalaw ito, lalung-lalo na ng mga kabataan, na ang nasa isip ay makakita ng paborito nilang uri ng pet na nakalibing dito.

Dinisenyo at ginawa ito ni Base Commander Major John Hightower, upang maging simbolo ng isang burial place of negativism na sinasabing “man’s greatest self-imposed infliction, his most limiting factor, and his heaviest burden”.

Pagpasok sa sementeryo at habang naglalakad sa pathway ay mamangha ka sa mga nitso at habang binabasa mo ang epitaphs ay dapat mong iwanan ang mga negativities mo sa bundok na ito at kailangang tandaan na maging positibo paglabas mo, hanggang sa dulo ng iyong buhay.

Ibinahagi ni Gerald Bandonil, tour guide ng John Hay Management Corporation (JHMC) ang kanyang munting kaalaman sa mga kuwento ng mga dating empleyado ng kampo noong panahon ni Hightower.

Aniya, napansin ni Hightower ang mga camp employee na tila matamlay at walang produksiyon sa kani-kanilang trabaho kaya sila ay kinausap at pinasulat kung ano ang mga negatibong bumabalot sa kanilang isipan. Nang mabasa ang mga ipinahayag ng mga empleyado, naisip ni Hightower ang isang sementeryo na idinaan sa mga hayop ang negatibong nakasulat sa bawat lapida.

Nang magawa ang sementeryo, isa-isa niyang pinapasok ang mga empleyado, at ipinabasa ang mga nakasulat sa bawat lapida na may rebulto ng hayop. Dahil sa matalinghagang mga nakasulat sa bawat lapida, nagawang iwanan ng mga empleyado ang mga kaisipang negatibo na bumabagabag sa kanila, at masaya na at positibong bumalik sa kani-kanilang trabaho. Sa katunayan, walang totoong pisikal na nakalibing sa mga puntod, kundi ginawa lamang ito para magsilbing libingan ng mga negatibong kaisipan o isa lamang na kasiyahan at palaisipan.

Mula nang ilipat sa pamamahala ng JHMC ang Camp John Hay ay dinebelop at pinaganda ang lugar bilang bahagi ng “Historical Core,” na nagsisilbing tourist spot sa loob ng kampo. Nasa tabi nito ang Bell House, Amphitheatre, Liberty Park, Totem Pole at marami pang ibang pasyalan.