Lalo pang lumakas ang bagyong ‘Paeng’ kasunod ng paglalagay dito ng mga weather specialist sa typhoon category.

Ayon sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa layong 1,220 kilometro sa silangan ng Baler, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 20 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kph.

Kumikilos ang bagyo pahilagahilagang-kanluran sa bilis na 13 kph.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Pero, paglilinaw ng PAGASA, wala pa rin itong direktang epekto sa bansa at walang nakataas na babala ng bagyo sa anumang lugar.

Binanggit naman ng weather forecaster na si Glaiza Escullar na pagsasalubong ng mga hangin o convergence at amihan ang magdadala ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Bicol region, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Palawan, Batangas at Quezon.

Aniya, hindi inaasahang maglalandfall ang bagyo at kahapon ay paiwas na ito ng bansa.