Anim na sundalo ng gobyerno, kabilang ang dalawang opisyal, ang napatay makaraang tambangan at pagbabarilin kahapon ng miyembro ng Abu Sayyaf sa Mindanao, ayon sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Iniulat ni Lt. Col. Harold Cabunoc, tagapagsalita ng militar, na kumpirmadong napatay ang anim na tauhan ng 64th Infantry Battalion sa 45-minutong bakbakan laban sa mga teroristang kaalyado ng Al-Qaeda.

Napag-alaman sa report na nagpapatrulya ang mga biktima sa Sitio Mompol sa Barangay Libug dakong 7:30 ng umaga kahapon nang umatake ang 20 armadong bandido.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Gregorio Catapang na saludo siya sa kabayanihan ng mga napatay na sundalo, kabilang ang nakatalaga sa lugar upang magbigay seguridad sa Basilan Circumferential Road project na kinukumpuni sa tulong ng Saudi government.
National

Surigao del Norte, niyanig ng 4.0 magnitude na lindol