Umabot sa 139 na truck o katumbas ng halos isang toneladang basura ang nahakot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kahapon ng umaga matapos ang paggunita ng Undas.

Nabatid sa ulat ng MMDA na ang basura ay nahakot mula sa 21 sementeryo sa Metro Manila at inaasahang aabot sa mahigit tatlong tonelada ang makokolekta sa buong maghapon dahil may mga dumadalaw pa rin sa sementeryo sa Metro Manila.

Ayon sa ahensiya, nagsimula ang kanilang monitoring noong Oktubre 27 at nagtapos kahapon.

Patuloy ang pagmo-monitor ni Chairman Francis Tolentino sa lagay ng trapiko para sa mga biyaherong nag-uwian sa kanilang mga probinsya, gayundin sa mga pabalik ng Metro Manila. - Jun Fabon
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente