GENEVA (AP)— Binabago ng health agency ng United Nations ang kanyang mga alituntunin para sa mga manggagawa ng kalusugan na tumutugon sa nakamamatay na Ebola virus, inirerekomenda ang mas mahigpit na mga hakbang gaya ng pagdodoble ng gloves o guwantes at pagtitiyak na lubusang protektado ang bunganga, ilong, at mata mula sa kontaminadong maliliit na patak at likido.

Ngunit sinabi ng World Health Agency na ang pagpili ng mga kagamitan ay hindi kasing importante ng paraan ng paggamit nito.

Sinabi ni Dr. Edward Kelley, director of service delivery and safety ng WHO, sa mamamahayag noong Biyernes na ang updated guidelines ay nananawagan ng pagsusuot ng isa sa dalawang materyal para sa gown o coverall ay “an absolute recommendation for double-gloving that didn’t exist before.”

Inirerekomenda na ng Doctors Without Borders sa ilan sa kanyang staff sa high-risk jobs, gaya ng mga tagalinis sa Ebola treatment centers o mga namamahala sa bangkay ng mga biktima ng Ebola, na magsuot ng dalawa o tatlong pares ng guwantes.
National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela