Team Pogi

STILL hoping for the best! Hindi pa tapos ang laban,” sambit nina Kelvin Engles at JP Duray ng Team Mr. Pogi ng season two ng The Amazing Race Philippines, hosted by Derek Ramsay.

Pasok pa rin ang dalawa sa Top 8 ng The Amazing Race PH at confident na makahahabol pa sila sa race hanggang sa dulo.

“So far, ngayong leg 4, nahuhuli kami. Kulelat kami kasi naligaw kami ng dalawang bayan. Doon kami napadpad sa pangatlong bayan papunta na sa Thunderbird, sa may isang detour, so hayun, bumalik kami ulit pero napag-iwanan na kami,” kuwento ni Kelvin.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

May chance pa ba silang makahabol sa remaining seven teams?

“Kaya nga po tinawag kaming miracle boys, so titingnan natin kung gagana sa leg na ito ‘yung miracle. Kasi nga, huling-huli kami at dalawang oras kaming naligaw,” sabi ni JP.

“Sana lang makahabol,” salo ni Kelvin. “’Yun naman ang gusto ng mga racer, di ba? Positive thinking lang kami at hindi kami nawawalan ng pag-asa. Ang ginagawa namin is one challenge at a time. Kapag inisip kasing last na kami, nawawalan na kami ng gana. So, hindi na nagagawa ng naayos ‘yung challenge. Dapat focus lang. Kami ni JP, ini-enjoy lang namin ‘yung bawat challenge.

Sa previous episodes ng The Amazing Race PH, tila nagkakapikunan na ang bawat pareha, napagdaanan na rin ba nila ito?

“Di ba nga nu’ng last leg, nag-away kami. Akala ko mauuwi na sa suntukan, eh. Gusto ko na siyang (JP) sakalin noon pero hindi ko ginawa. Nag-pray lang kami kay God na hindi nauwi sa gulo,” pagtatapat sa amin ni Kelvin.

“Hindi ko ini-expect na masisigawan ako ni Kelvin nang ganu’n katindi,” kuwento naman ni JP. “Nagmurahan talaga kami. Sa isang normal day namin, hindi ko siya nakikitaan ng ganu’n. Feeling ko, doon talaga nasagad siya sa akin.”

Ano ang natutuhan nila sa race na puwede nilang maibahagi sa mga manonood?

“Gusto naming ipakita kung gaano kami nag-enjoy sa race. Madami silang mapupulot na lessons sa amin lalo na sa friendship namin, kung gaano pinatatag ‘yung samahan namin dahil sa race,” wika ni Kelvin.

Nangunguna sa The Amazing Race PH ang team ng magkasintahang sina Matthew Edwards at Phoebe Walker. Hatid ang programa ng Rexona, PLDT Home Telpad, Summit Natural Drinking Water, Kia Motors, RCD Royal Homes, Shell Nitro Plus at Resorts World Manila, napapanood tuwing alas-9 ng gabi sa TV5.