May kabuuang 3,496 ang nadagdag sa puwersa ng Philippine National Police (PNP) noong Oktubre, at inaasahang makatutulong ito nang malaki sa kampanya ng pulisya laban sa krimen.

Ayon kay Senior Supt. Wilben M. Mayor, hepe ng PNP Public Information Office (PIO), ang mga bagong pulis ay binubuo ng 2,877 lalaki at 619 na babae.

Isinagawa ang mga oath-taking ceremony sa 17 Police Regional Office (PRO) sa iba’t ibang bahagi ng bansa noong Oktubre 7-21, ginawang pormal ang appointment sa ranggong Police Officer 1 (PO1) at may buwanang suweldo na P14,834, kumpleto sa mga mandatory allowance at iba pang non-cash benefits na umaabot sa P5,660 bawat buwan.

Sinabi ni PNP chief Director General Alan Purisima na dadagdag ang mga bagong pulis sa mga tauhan ng PNP para sa pagpapatupad ng batas at sa public safety operation ng mg a Police Regional Office.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa kanyang report kay Purisima, sinabi ni Director Jaime Morente, PNP Director for Personnel and Records Management (DPRM), na nakumpleto ng 3,496 na bagong pulis ang mga requirement sa neuro-psychiatric (NP) screening, pagsusuring pisikal, medikal at dental, physical agility test, drug test, kumpletong background investigation, at mga eligibility examination.- Elena L. Aben