Nagiging jet setter na simula nang maluklok sa puwesto noong 2010, naghahanda ngayon si Pangulong Benigno S. Aquino III para sa apat niyang biyahe sa labas ng bansa bago matapos ang taon.

Bukod sa kanyang mga kumpirmadong biyahe sa China at Myanmar, inaasahang bibisita rin ang Pangulo—na una nang inamin na hindi siya enjoy sa pagsakay sa eroplano—sa Singapore ngayong buwan at sa South Korea sa Disyembre.

Makikipagpulong ang Pangulo sa mga opisyal ng gobyerno at mga business leader sa Singapore sa Nobyembre 18-19. Magbibiyahe rin siya sa Busan, Korea upang dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Korea commemorative summit sa Disyembre 11-12.

Hindi pa inilalabas ng Malacañang ang opisyal na schedule ng Pangulo sa nasabing mga biyahe.

National

Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Una nang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magtutungo ang Pangulo sa Beijing, China sa Nobyembre 9-11 para sa Asia Pacific Economic Conference summit. Mula sa China, didiretso siya sa Myanmar para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) meeting sa Nobyembre 11-12. - Genalyn D. Kabiling