Hihilingin ng Office of the Ombudsman sa Korte Suprema na pigilan ang posibleng pagsilip ng Sandiganbayan sa mga bank account ng whistleblower na si Benhur Luy at sa iba pang testigo sa P10 bilyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Katwiran ni Asst. Ombudsman Asryman Rafanan, posibleng makasira sa kaso ang pagbubukas sa personal bank accounts ni Luy, lalo pa’t wala naman itong kaugnayan sa pagiging witness nito sa kaso. Isa rin aniya itong paglabag sa karapatan ni Luy dahil pipiliting ilahad sa publiko ang bank records ng naturang testigo.

Ang pagbubukas sa bank accounts ni Luy ay batay sa mosyon ng kampo ni Janet Lim-Napoles, ang sinasabing utak ng pork barrel fund scam, upang matukoy anila kung nagtatago ng nakaw na yaman si Luy.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho