DERMARR JOHNSON

Isang injury ang nagpaikli ng kanyang paglalaro sa Philippine Basketball Association (PBA) noong 2012.

Ngayon, handa na siya para sa isang maikling comeback at muling makasama ang Filipino basketball fans.

Si DerMarr Johnson, dating reinforcement ng Barako Bull Energy, ay magbabalik sa Manila upang maglaro sa “All In,” isang fundraiser para sa Gawad Kalinga at pangungunahan ng walang iba kundi ang dating NBA MVP at 11-time All-Star na si Allen Iverson.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“I have very fond memories of the Philippines. I’m most looking forward to once again interacting with the fans, and seeing the friends I made there that I haven’t seen in a while,” saad ni Johnson. “Filipino fans know basketball and they love basketball. All the people there treated me nice and made my time there really easy. Can’t wait to be back.”

Si Johnson, at isa pang dating bituin ng NBA na si Eddy Curry, ang magpapalakas sa Team PCWorx, igigiya ni two-time PBA grandslam coach Tim Cone at binubuo ng mga manlalaro na mula sa UAAP, sa pangunguna ni reigning MVP Kiefer Ravena ng Ateneo at Jeron Teng ng La Salle, at NCAA. Sila ay makikipagbuno kontra sa Team Gawad Kalinga ni Iverson na bibitbitin naman ng Ball Up Streetball All Stars kasama ang mga dating manlalaro ng PBA na sina Jerry Codinera, Willie Miller at Renren Ritualo.

Nakatakda ang laro sa Nobyembre 5 sa ganap na alas-7:00 ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Sinabi ng sixth overall pick ng Atlanta Hawks noong 2000 NBA Draft na umaasa siyang matutulungan ang mga batang player na makakuha ng panalo kontra sa kanilang mga karibal.

“Ball Up is a talented group. I’m just gonna go out there and play and hopefully help the younger players get the win,” ani Johnson.

Ngunit agad niyang ipinaalala kay Iverson at sa makakalabang koponan na huwag masyadong maging kampante. Ipinangako ni Johnson, bagamat sila ay matalik na magkaibigan ni Iverson sa labas ng court, na sisiguraduhin niyang hindi magiging madali para sa kanila ang laro.

“Allen is my brother and I’m looking forward to making the trip with him, but we have played against each other plenty of times over the years, and this time it won’t be any different. I’m going out there to get a win. The fans can expect us to put on a good show. The Ball Up guys always put on a good show, but me and the college guys are going out there and snatch a win,” babala ni Johnson.

“I hope all the fans that supported me during my time there will come out and support this cause. I appreciate all the love and I hope one day I can play in the league (PBA) again. See you all real soon.”

Bago ang charity game, sina Iverson at Cone ay magsasagawa ng isang youth basketball clinic para sa kabataan na may edad 10 hangggang 15 sa Gawad Kalinga Bulaklakan Chapter sa Brgy. Holy Spirit sa Quezon City sa Nobyembre 4.

Suportado ng Philippine Airlines, NBA Café Manila, Solaire Resort and Casino, Samsung, Intel, Microsoft, PhilCare, Canon, Rapoo, Accel, at ng Mall of Asia Arena, maaari pa ring makabili ng mga tiket para sa “All In”, may 50% diskuwento, online www.smtickets.com, sa lahat ng SM Tickets outlets, at mga piling sangay ng PCWorx sa Metro Manila.