Tutungong Japan sa Nobyembre 3 ang ikalawang batch ng Pinoy scholars sa Japan-East Asia Network of Exchange Students and Youths (JENESYS2.0), iniulat ng Department of Education at Japan International Cooperation Center (JICE).
Apatnapu’t anim na estudyante at apat na guro ang magsisilbing ‘ambassador’ ng Pilipinas sa Japan, hanggang Nobyembre 11, ayon sa DepEd at JICE.
Limampung ‘ambassador’ ang bumuo sa unang batch na tumulak pa-Japan noong Setyembre 8 hanggang 16, at naranasan ang lengguwahe, kultura at pamumuhay ng mga Hapones.
Layunin ng programa na mapalawak at mapaigting ang relasyon at pagkakaibigan ng Japan at ng mga bansa sa Southeast Asia at Oceania.