BAGHDAD (AP) — Pinahilera at isa-isang binaril ng Islamic State ang may 50 lalaki at babaeng katutubo sa probinsya ng Anbar sa Iraq, ayon sa mga opisyal ng bansa noong Sabado, ang huling maramihang pagpatay ng grupo.

Ayon kay Anbar Councilman Faleh al-Issawi, nangyari ang pamamaril noong Biyernes ng gabi sa komunidad ng Ras al-Maa, hilaga ng kabisera ng lalawigan na Ramadi.

Aniya, inakusahan ng mga rebelde ang kalalakihan at kababaihan ng tribung Al Bu Nimr ng pagganti sa IS matapos mawalan ng tirahan ang mga ito nang kubkubin ng grupo ang bayan ng Hit sa Anbar noong nakaraang buwan.
National

‘Huli sa akto!’ Empleyado sa GenSan, sinubukan umanong lasunin ang boss niya