Coco Martin

WELL attended ang 33rd birthday party cum 10th year anniversary sa showbiz ng nag-iisang Coco Martin ng Pilipinas.

Present ang halos lahat ng mga artista, directors, production crew & staff na nakatrabaho niya, pati mga bossing ng ABS-CBN headed by Madam Charo Santos-Concio.

Iyak-tawa ang Coco habang nagto-throwback/flashback si Vice Ganda sa madilim nilang pinagdaanan noon sa mundo ng showbiz bago nila narating ang liwanag ng tagumpay.

National

‘Huli sa akto!’ Empleyado sa GenSan, sinubukan umanong lasunin ang boss niya

Sa speech ni Vice naging malinaw sa amin na ang pagpunta pala noon sa Canada si Coco at pagtatrabaho roon bilang janitor ay resulta ng kawalan ng pag-asa noon na sumikat, pagkaraang lumabas sa ilang indie films. Kabisado ni Vice Ganda ang halos lahat ng mga pinagdaanan ni Coco dahil matagal na silang magkaibigan, na nagsimula noong hindi pa sila sikat.

Mangiyak-iyak ding nagkuwento ang lola ni Coco, ipinakita sa malaking monitor, tungkol sa pinagdaanan ng kanyang apo. Nasabi rin nito na bagong panganak pa lang si Coco, na Dendeng ang tawag nila, ay may ipen na raw ito.

Hmmmnn... simbolo kaya ‘yun ng suwerte at kaya naging lucky charm si Coco Martin sa mundo ng showbiz? Eh, malamang nga siguro!

Nang maka-one-on-one namin ang napakabait na aktor ay nasabi ni Yours Truly na... “Alam mo, Coco, sa lahat ng Bandana Boys noon, nag-predict kami lalo na ang dating movie producer noon na si Baby Pascual of Baby Films Productions na ikaw lang ang sisikat sa grupo.”

Ang ganda ng mga ngiti niya nang sumagot.

“Oo nga, sa Bandana Boys tayo noon ni Direk Deo Fajardo. Doon ako unang nagsimula.”

Oh, at least, wala siyang tamang limot, ha? Kaya naman he is so blessed now.

Niwey, sana ay hindi ka pa rin magbago sa pakikipagkapwa tao. Keep up the good work, Coco Martin and may you have many more birthdays and projects to come! May God bless you always!