Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang bidding para sa mga makinang gagamitin sa presidential elections sa Mayo 2016.

Sa invitation to bid ng Bids and Awards Committee (BAC) ng Comelec, nabatid na 410 unit ng voting machine na gumagamit ng Direct Recording Electronic

(DRE) technology ang kinakailangan para sa halalan.

Ang presyong hinihiling para sa bawat makina ay nagkakahalaga ng P75, 000 kaya’t aabot sa P30.75 milyon ang pondong inilaan ng poll body para rito.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Binuksan na rin ang bidding para sa bagong ballot boxes, na pinaglaanan ng P1.3 milyon para sa 410 units.

Dahil sa mga bagong makina, inaasahang mangangailangan din ng 30 technician sa mga polling center, 28 technician para sa National Technical Support ang poll body na pinaglaanan ng P522,000 pondo.

Sa Nobyembre 4, ganap na 2:00 ng hapon ang pre-bid conference sa punong tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Maynila.