Nakapasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong “Paeng.”
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), si “Paeng” (international name: Nuri) ay pumasok sa bansa kamakalawa ng gabi.
Bahagya pang lumakas ang bagyo yasa nakalipas na 24-oras taglay nito ang hanging aabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 90 kilometro kada oras.
Taglay naman nito ang bilis na 15-kilometro bawat oras habang patungong kanluran-hilagang kanluran.
Huli itong namataan sa layong 1,102 kilometro silangan ng Legazpi City.
Agad namang nilinaw ni weather specialist Fernando Cada ng PAGASA, halos walang magiging direktang epekto ang bagyo sa bansa ngunit pinapalakas lamang nito ang hanging amihan at pag-ulang idudulot ng extension nito.