IDINARAOS natin ngayon ang Ang All Souls’ Day o Araw ng mga Kaluluwa, ang araw ng paggunita sa mga kaluluwa ng ating mga yumaong mahal sa buhay. Ito ang araw na umaayuda ang mga buhay sa mga kaluluwa na pinaniniwalaang tumatahak na ng landas patungo sa langit. Inilalaan ng mga Pilipino na may masidhing paggalang sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay at mga kaibigan, ay idinaraos ang araw na ito sa pananalangin, pagninilay, at paglilimos. Marami sa ating mga kababayan ang nagpapatuloy ng tradisyonal na pagdaraos ng Araw ng Kaluluwa – sa pagdalo sa misa at ang pagbisita sa puntod ng kanilang mga mahal na yumao upang manalangin, mag-alay ng mga bulaklak, at magsindin ng kandila.
Noong AD 1000, inilaan ng Simbahan ang Nobyembre 2 bilang Araw ng Kaluluwa upang parangalan ang mga namayapa. Kahalintulad ito ng Samhain celebration, na may malalaking bonfire, parada, at pagsusuot ng costume bilang mga espiritu at anghel. Ang tatlong selebrasyon ng Evel of All Saints’ Day, All Saints’ Day, at All Souls’ Day – ay tinatawag na Hallowmas.
Nananalangin ang mga Katoliko sa mga simbahan upang tumanggap ng indulhensiya ang isang kaluluwa. Ang indulhensiya – buo o bahagyang pagpapatawad sa parusang temporal bunga ng naging kasalanan – ay iginagawad ng Simbahan sa mananampalataya na walang patlang na bumibisita sa isang sementeryo sa iba pang araw ng taon.
Sa Mexico, ang All Hallows’ Eve, All Saints’ Day, at All Soul’s Day ay idinaraos bilang “Los Dias de los Muertos”. Kahalintulad din ang tradisyong Chinese sa mga Katoliko; nag-aalay ng mga bulaklak at pagkain, habang insenso sa halip na kandila, ang sinisindihan. Ang pananalangin, pag-aalay ng mga bulaklak, at mga misa, ay pinaniniwalaang nag-aanyaya sa mga kaluluwa na magbalik upang kumaing kasabay ng pamilya, na may gabay ng liwanag ng mga kandila.
Noong ika-7 siglo, nag-aalay ang mga monghe ng misa para sa mga namayapang miyembro isang araw pagkatapos ng Pentecostes. Noong ika-10 siglo, inilipat ng Benedictine Monastery ang kanilang misa para sa mga kaluluwa sa Nobyembre 2, pagkatapos ng All Saints’ Day. Noong ika-13 siglo, opiyal na itinakda ng Rome ang kapistahan sa kalendaryo ng Simbahan.