Pinayagan ng Quezon City Regional Trial Court na makapag–piyansa ang 25 akusado sa kasong Maguindanao massacre para sa kanilang pansamantalang paglaya.

Nadagdag ito sa 16 na akusado na unang pinayagan ng korte sa Quezon City na makapaglagak ng piyansa.

May kabuuang P200,000 kada isa ang ipinataw na piyansa ni Quezon City RTC branch 221 Judge Jocelyn Solis Reyes para pansamantalang makalaya ang mga akusadong mga pulis mula sa “Solano” at “Labayan” group.

Ang Solano group ay kinabibilangan nina SPO1 Ali Solano, SPO2 Samad Maguindra, PO3 Gibrael Alano, PO3 Felix Daquilos, PO2 Kendatu Rakim, PO2 Datu Jerry Utto, PO1 Marsman Nilong, PO1 Abdulmanan Saavedra, PO1 Jimmy Kadtong, PO1 Abdulbayan Mundas, PO1 Badjun Panegas, PO1 Abdurahman Batarasa, at PO1 Marjul Julkadi.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ang Labayan group naman ay sina SPO2 George Labayan, SPO1 Alimola Guianaton, SPO1 Elizer Rendaje, PO3 Ricky Balanueco, PO2 Rexson Guiama, PO1 Bensidick Alfonso, PO1 Pendatun Dima, PO1 Ebara Bebot, PO1 Amir Solaiman, PO1 Tamano Sahibal Hadi, PO1 Michael Macarongon, at PO1 Mahamad Balading.

Binigyang diin ni Solis-Reyes na walang rekord na nagpapakita na ang mga naturang pulis ay nakiisa sa planong dukutin at patayin ang mga biktima ng masaker. Wala ring nakitang matibay na ebidensiya ang korte para idiin ang mga ito sa kaso.