KANO, Nigeria (AFP) – Kinumpirma ng Boko Haram na ang 219 na dalagitang estudyante na dinukot ng grupo mahigit anim na buwan na ang nakalilipas ay nagpa-convert na sa Islam at “married off”, na ikinagulat ng pamilya ng mga dalagita ngunit nagkumpirma sa hinala na gagamitin ang mga ito sa isang kasunduan para sa isang tigil-putukan.

Ito ang sinabi ng leader ng grupo na si Abubakar Shekau sa bagong video na nakuha ng AFP noong Biyernes, na rito rin ay pinasinungalingan niya ang sinabi ng gobyerno tungkol sa umano’y kasunduan para tapusin ang kaguluhan.

Inako rin ni Shekau ang responsibilidad sa pag-kidnap sa isang German, na dinukot sa bahay nito sa hilaga-silangang estado ng Adamawa noong Hulyo 26.

Abril 14 nang dinukot ng Boko Haram ang mga dalagita sa hilagasilangang bayan ng Chibok sa estado ng Borno.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho